Tuesday, July 14, 2009

Pagpapakilala : bersyon ni nog

Unang una salamat sa mga papuri at mabulaklak mong mga salita. Nang makita ko ang larawan mo, inakala kong ito ay isang obituary, may maulap-ulap pang effect. Medyo kinilabutan ako ng kaunti at naisip ko agad na parang ilang minuto pa lamang ay kausap kita. Inisip ko agad kung swine flu ba o malaria dala ng madalas na pagbaha sa Sampaloc.

Ikalawa naman, ito ay nagmukang resume. May prestigious ka pang nalalaman. Sana sinabi mo agad, para nabigyan kita ng Letter of Application ko. Pero hahayaan ko na iyan. Papalagpasin ko muna sa ngayon. Total, iniangat mo din naman ang aking pangalan.

Budha beads na samut-saring kulay, minsan naka ayon pa sa kung anong kulay ng damit ang suot. Nang mauso naman ang choker, iba’t ibang klase din, may parang kahoy, may puti. Mas masikip mas maganda mas malaki ang chance na machoke. Yan si tobobz, medyo jologs. HAHAHA! Noong una, di ko pinapansin ung mga jokes o banat niya na kung pakakasuriin mo ay korni naman. Dinadaan nalang sa performance and delivery kaya maraming naloloko. Subalit ng malaon ay unti-unti itong nag improve at hit na ang mga joke niya. Noon parang poste lang siya ng meralco sa may M. Dela Fuente, pero ng makaluwag luwag at makapagtrabaho (wag nating kalimutan na “prestigious company”) aba, para na siyang poste sa baywalk, maynila, nagkabuhay na kahit papaano. Teka nakakarami na yata ako. Mabuting itigil ko na ito at maireserve sa ibang pagkakataon. Sa ngayon, sinisigurado ko na madaming mga nakatagong patawa at pakwela yang si tobobz. Don't judge him by my description.

Actually di naman ako kilala sa tawag na Nog nung college, HS lang ng ako’y tawaging Nog ng aking mga kaibigan. Di ko nga alam kung bakit yun ang tawag sa akin. Hanggang sa ngayon, pinipilit ko pa ding hanapin ang kasagutan upang mabuo na ang aking pagkatao. Sa araw-araw kong hinaharap ang buhay pakiramdam ko ba ay tila may kulang. Pero sa ngayon lang ito, sa mga susunod na blog, papalitan ko itong Nog. Palitan natin ng mas mukang mayaman at nakakaluwag sa buhay na pangalan.

Bilang pag tatapos sa aking pagpapakilala, hayaan niyong ibahagi ko ang larawang ito:




4 comments:

tobobz said...

what the heck is that!? who's the encircled person? is he dead? anyhow.. i think the encircled person is in heaven coz he can smell something "ma-anggo-anggo"!

nog said...

hi tobobz, so this is the way? you comment, i comment? anyhow, its not yet released. so probably, after our successful lauch, we will have a lot of followers.

to reply tou your comment, yes, i strongly agree that is ma-anggo-anggo! hahaha!

Unknown said...

wala akong masabi.

nog said...

clap.clap.clap

Post a Comment