
Tatlong taon ako noong panahon ng Edsa Revolution
Hindi pa namin nauunawaan ang mga pangyayari noon. Sa paaralan ko na lamang natutunan ang mga naganap at nalaman ang tunay na kwento ng “Cory! Cory!” at ng cory sign.
26 na ako ngayon at masasabi ko na ngayon ko lang lubusang naunawaan ang halaga ng ipinaglaban ni Tita Cory at Ninoy. Sayang nga lang at ang ating Gobyerno ngayon ay punong puno ng kawatan na ang iniisip lang ay ang kanilang sariling kapakanan. Maraming bata na sana ang nag-aaral sa halip na namumundok; marami na ding pamilya ang makakain at hindi magtitiis sa gutom kung walang mga magnanakaw ng pera ng bayan.
Sa katapangang iyong ipinakita. Paninindigang hindi nabuwag kahit ng malalaking tangke. At higit sa lahat sa pagbabalik ng kalayaan at demokrasya ng Bansang Pilipinas. Maraming Salamat po!
Maraming Salamat Tita Cory! May you rest in peace.