Showing posts with label onse-han. Show all posts
Showing posts with label onse-han. Show all posts

Friday, January 13, 2012

ONSE-han 4.0, Pumo-photographer Mode



Happy New Year! #itsmorefunin2012

It's been a while since any of us posted sa blog na ito, 2010 pa ang huli. Kaya eto naisipan kong buhayin kahit papano ang blog namin.

Hindi ako magaling mag-shot ng picture kahit nuon na ang uso pa ay ang 110 film (o di nyo alam yun no?) Tandaan ko way back in highschool, ako ang natangi tanging may dala ng 110 camera, silang lahat puros 135. Pagnagsho-shot ako mostly wala ang ulo, maluwag sa one side ng frame, worst naibaba ko na pala ang camera tsaka nagshot.


Now, on digital era, phones usually have mega-pixelated camera and with help from different apps you can edit or add effects to make it more dramatic.

On the 4th installment of my ONSE-han, here are the Top 11 phone-camera shots I took, na tingin ko e maganda.

ONSE
my niece, Micah. apps: combination of lemecam and instagram.

DYES
with my officemate at Kebab. app: instagram.
NUEVE

me at work. app: lemecam.
OCHO
view from my office pantry. app: path
SHETE
during a meeting. app: path
SAIS
at pizza hut. app: lemecam.
SINGKO
view from my room windom. app: instagram.
KWATRO
my nephew with chicken pox. app: instagram.

TRES
National Shrine of St. Jude Thaddeus
DOS
January 1, 2012. app: path.
UNO
light-bulb somewhere in Pasay. app: instagram.

instagram account: titobabis.

Tuesday, August 17, 2010

ONSE-han (3.0)

para sa 3rd installment ng ONSEhan, 11 words or phrase REAL MEN should never use. Nakuha ko ang inspirasyon mula kay Lourd de Veyra, pero dadagdagan ko ng sarili kong inputs para BONGGA, este para COOL.

ONSE - loveit / lavet
Madalas ko tong marinig sa commercials at sa mga pinoy talkshows. At ang pag-pronounce nito ay as one-word, "lavet".
example: BOY1: pre, ok yun SALT no, ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre, loveit!

DYES- bongga*
Parang eto ata ay no explanation needed. Pero minsan eh 2x pa itong binubulalas, "BONGGANG BONGGA"!
example: BOY1: pre, ok yun SALT no, ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre, BONGGA!

NWEVE - thingie*
may refer to anything. yun lang!
example: BOY1: pre, ok yun SALT no, ang ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre, ay labas yun thingie mo!

OCHO-OCHO - di kaya ng powers ko*
Isa pa ata to, no explanation necessary. Kung dati e si darna at kapitan bawang lang ang may powers, ngayon maski sino e meron na.
example: BOY1: pre, ok yun SALT no, di kinaya ng powers ko ang ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre!

SHETE - fave*
may refer to anything you really like or favorite mo.
example: BOY1: pre, fave ko yun SALT, ang ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre, fave ko yun hair nya!

SAIS - _ness
Ang hulaping -ness. kinakabit ito sa kahit anong salita, mapatagalog man o english. Either you agree or disagree with something e kakabitan mo ng -ness just to make a stress to your point. likeness, cuteness, asar-ness...
example: BOY1: pre, likeness ko yun SALT, ang ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre, cuteness!

SINGKO - palong-palo
Dati kinakatakutan ko ang palo, kasi masakit, nasubukan ko na lahat: sinturon, walis, kawayan at kahoy. aba ngayon e iba na pala ang meaning nito. Kung baga e mabenta o ayos ang isang bagay.
example: BOY1: pre, ok yun SALT no, ang ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre, palong-palo!

KWATRO - pak
halintulad ito sa SINGKO. Kasi nga palong-palo so may tunog, PAK! same meaning pero deserving ito ng isang spot kasi mas malala.
example: BOY1: pre, ok yun SALT no, ang ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre, pak na pak!

TRES - girl
Madalas ko tong marinig, as in madalas. Di ko na lang sabihin kung saan basta andito ako sa lugar na ito 5days a week. Instead of calling someone by his/her name e "girl" ang itatawag mo sa kanya, worst "gurl".
example: BOY1: girl, ok yun SALT no, ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo gurl!

DOS - kalurkey
Sinasambit ito kapag, nakakabaliw ang isang bagay. Katulad din ito ng "kaloka" noong 80's pero nagevelove na sya.
example: BOY1: pre, ok yun SALT no, ang ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre, kalurkey!

UNO - teh
ayan na ang malala, bukod sa girl e teh ang ginagamit. Kung noong 80's e kapatid mo lang ang ate mo, ngayon maski sino ay tinatawag ng teh.
example: BOY1: teh, faveness ko na yun SALT, ang bongga ni Angelina Jolie. BOY2: oo girl, pak na pak!

*entries from Lourd's article




**ang larawang ito ay walang kinalaman sa article, pero maari kayong bumoto: kalurkey o bongga? just post your comments**



Tuesday, August 25, 2009

ONSE-han (release 2)

being alone is really hard.

but, being single is easy and fun if you constantly join your friends, this will lessen the lonesome you feel.

and you'll surely forget being single once you get home to your family.

though most of the times i'm just alone. i hate the feeling, no friends to run to and tension at home makes you feel worst.

so i decided to make ONSE-han things to get by loneliness.

ONSE - maki-epal sa usapang ng iba.
example. kapag nakapila ka sa sakayan ng FX at narinig m
o ang nakapila sa likod mo na tinanong kung pa-quiapo ba to, umepal ka agad maski di ikaw tinatanong, "Opo pa-Quiapo po ito"

DYES- pag may nagpapapicture, makisingit ka.
example. kapag naglalakad ka sa mall at sa di mo malamang
kadahilanan eh may nagpapapicture sa mga mannequin at window display ng bench eh makisingit ka na agad. wag na wag humingi ng kopya matapos ang picture taking.

NWEVE - be generous sa jeep.
example. pumwesto malapit sa driver kapag sumakay ng jeep at abutin mo lahat ng bayad ng mga pasahero with smile. if medyo may natipuhan ka, ibayad m
o na lang din cia.

OCHO-OCHO - kapag naglalakad at may nakita kang
2 or more na taong magkasamang naglalakad, join them!
example. magjowa, magka-holding hands, maiisip mo bakit ikaw single, tapos malulungkot ka. pero don't entertain that thought, makisabay sa lakad nila
pero dont look at them para di obvious.

SHETE - textmate
example. makinig ka ng loveradio, bumili ng bulgar, dyaryo po ito. madami dun naghahanap ng textmate, just text them. "wEr N u, D2 n mE" "aGe U?" "h
Hi phow" "uZZtaH na Uh"

SAIS - watch movie.

example. sa gateway manuod o san mang sinehan na pwede mamili ng seats. choose a seat na napaggigitnaan ng madaming tao at bilhin un. pero wag yakapin ang katabi kapag nakaktakot ang palabas. isigaw na lang ang takot "si garong naka-bikini, WAAAAAH!"

SINGKO - watch concert
example. similar sa SAIS, pero no need to choose seat, kas
i panigurado may katabi kana nun. then makisigaw ka agad kapag sumigaw katabi mo ng "I LOVE YOU AIZA!"

KWATRO - chat
example. magdownload ng MIRC o kaya pasok ka sa y
ahoo chat. then hanap ka na ng pwede ka chat then later on ka-eyeball.

TRES - talk to your reflection
example. basta kumuha ng salamin at kausapin ang sarili. wag magtaka kung bakit sabay kau ng sinasabi, normal lang yan.

DOS - magpanggap na kakilala mo.

example. kapag may nakita kang tao na nag-iisa at parang may inaantay. lapitan agad at sabihin "jessica?" kung babae at "philip?" kung lalaki. may 90% chance na di un ang pangalan nila at magtataka kung kakilala ka ba nila, kahit papano tatagal ang uspan ng 5 minuto.

UNO - flood comments @ facebook
example. paglog-in mo pa lang sa facebook. co
mment-an lahat ng news feeds o post ng iba. panigurado may papatol sa comment mo may kausap ka na, yehey!

piz awt!


P.S.


mga KLASMEYT. gustuhin ko man i-scan itong pic na 'to wala akong mahagilap na scanner dito. kaya pagtyagaan nyo na lang ang munting ala ala...


L-R: (top) dax, tin, romano redublo,kuya randz, nog
(next line) jak, det, mishy, elizabeth, bea, chong, KLASMEYT
(sa baba) tobobz, albert, toyomansi

Tuesday, July 28, 2009

ONSE-han (release 1)

Welcome to ONSE-han!

What is ONSE-han: rather than the usual "top ten" , I decided to make it eleven or ONSE. Eleven things about a particular topic. For the Release 1:

ONSE-han on my office desk. (Normal hangang medyo sumablay)

ONSE: Calendar

(memory gap kaya madaming post it)

DYES: Empty canister of Halls

(madami nabibiktima yan kala me laman)

NWEVE: Empty clay doh, hair wax

(alam ko mabango yan pero di ko naman sinisinghot, maganda lang un lalagyan)

OCHO-OCHO: Mirror


(minana ko pa yan sa lolo ko, side mirror para kung me dumadating, ALT-TAB agad, cute ng nag kuha ng picture)

SHETE: Spray container + alcohol

(panlaban sa A(H1N1))

SAIS: Paper mouse pad

(-->nog: hindi ito ka-jologsan, ayaw ko lng gumamit ng mouse pad, mas ok sakin 'tong papel, kelangan na palitan may punit na pala)

SINGKO: Quote on post-it

(ang nagbibigay sakin ng lakas ng loob kapag madaming bugs)
("In a day, when you don't across any problem, you can be sure that you are traveling in wrong path")

QUATRO: Vase?

(mukha lang vase pero termost po 'yan. -->nog: hindi yan un vase sa altar nyo, di ko ninakaw yun)

TRES: Tomador...

(ayaw ko kasing uminom)

DOS: Frankenstein?

(straw ng slurpee from 7-11, medyo kahawig ko din kaya memorable)

UNO: Megastar, ate shawee?


(si shawee, ang natuyot na starfish)



(kuha sa medyo malayo)