Saturday, July 25, 2009

Fan Mail ni Jek2

Dear Kuya Nog,


Ako po si Jekjek, pag itextext niyo po ako Jek2 nalang for short. Ako po ay kasalakuyang nagtatrabaho sa isang prestigious na munisipyo sa bayan ng Pangasinan. Ako po ay masugid na tagasubaybay ng inyong blog. Minsan po kasi ako nag search ng porn sa google at unang una po sa list na lumabas ay ung isang entry ni tobobz, ung ka-tandem niyo po. Mula po noon, di na ako nahilig sa porn, at talagang kina-adikan ko na ang blogs niyo. Ginagawa ko siyang habit sa tuwing umaga para simulan ang aking araw. Talaga naman pong sumasakit ang tiyan ko at nangangawit ang panga ko sa kakatawa. Pakiramdam ko po ay tinatayuan wala akong problema sa buhay. Ang pakay ko po ay upang isangguni ang aking suliranin sa trabaho, madalas po kasi akong dalawin ng antok at di ko talaga mapigilan at kung minsan bigla nalang akong magugulat at magigising sa pagkakatulog. Kahit madaming gawain ay di ko maiwasan ang antukin. Ano po ba ang dapat kong gawin? Aasahan ko po ang inyong payo.


Lubos na umaasa,

Jekjek ng Pangasinan (Jek2 for short)



Dear Jek2,


Ako ay nagpapasalamat sa patuloy mong pagsubaybay sa aming blogs. Sa katunayan nga nang sabihin ko ito kay tobobz, talagang na-touch siya at hanggang sa ngayon ay di pa rin mapigilan ang pagluha. Nag-aalala na din nga kami baka pasukan na ng hangin ang kanyang utak, pero sana naman ay wag muna sa ngayon at kailngan pa natin siya.


Mapunta tayo sa iyong problema, ako mismo ay araw-araw na dinadalaw ng antok sa opisina. Track record ko na yata ang pagiging antukin. Naalala ko pa minsan na nakatulog ako sa midterm ng Linear Algebra nung college, puyat naman kasi ako nung araw bago ng exam, galing ako sa shift ko sa Greenwich.


Kumpleto naman ang tulog ko, pero syempre may mga araw din na kulang. May nabasa ako minsan na di ko na matandaan yung source, na normal lang daw ung 6 to 7 hrs na tulog, sapagkat pag ito ay bumaba sa 6 o lumagpas sa 7, ay mas lalo kang aantukin. So wag kang ganid sa tulog.


Subalit kung minsan papasok ng opisina, pakiramdam ko ba ay talagang kulang ako sa tulog at antok na antok, maaga palang kasi ay gising na ako upang maghanda ng baon namin ng aking asawa at ihatid siya sa bus stop. Sa pilipinas, pag sakay ko ng FX, kanya kanya na. 45 minutes din na biyahe yon, 45 minutes na tulog na may manakanakang pag tulo ng laway at pag untog sa salamin ng bintana ng FX, mas malakas mas masakit. Minsan di mo maiiwasan ang mga kasakay na naknakan ng daldal na buong FX eh naririnig ang hagalpakan nila at akala mo ba ay sila lang ang tao sa FX. Dito naman sa Malaysia, 20 minutes lang ay nasa opisina na ako kung walang traffic, sa harap ng condo ay magaabang na ako ng bus, at isa ito sa mga sagradong sandali ng aking buhay, ikakabit ko na ang aking headset, at magnanakaw ng tulog oras na maupo ako sa bus, kulang nalang pati tulog ng katabi ko ay nakawin ko. Minsan gusto ko din na traffic kahit abutin manlang ng 30 minutes ang biyahe para mahabahaba ang aking tulog.


Jek2, baka naman kasi nalulugmok ka sa PMS at Cyber Sex, umamin ka na, kaya siguro madalas kang antok at pagod. Parang say no to drugs lang yan. So hangga’t maaga pa at hindi pa huli ang lahat, lubayan mo na yan. Kaysa naman pag dating ng panahon ang sinasabi mo na ay Aanhin mo pa ang damo kung patay na si Jek2 ang kabayo. Mas ok kung “May Energy mas Happy” diba?


Ugaliin mo din na mag exercise o mahilig sa sports. Gaya ko, ako ay nag jojogging, swimming at badminton. Kung pakiramdam mo ay ayaw ka nila isali, umepal ka nalang, kapalan mo nalang mukha mo at siguradong di ka nila sasawayin. Ipakita mong sporty ka at hindi lampa. Malaking tulong ang exercise sa katawan natin at maiwasan ang pagiging antukin.


Sa opisina, nagpapatugtog din ako ng magagandang sounds o kaya ay nakikinig sa monster radio. Sa ngayon, paulit ulit lang ang kanta ni David Archuleta na Touch my Hand, saka ung Nobody Nobody but You at yung may Romeo and Juliet ni Taylor Swift. Bakit di mo subukang aralin yung Nobody Nobody but you. Magandang paraan din yan upang di ka antukin. O kaya naman ay magkape ka, para magkanerbyos ka naman sa katawan. Siguradong tanggal ang antok mo, na-ngi-ngi-nig-ngi-nig pa. Ako twice a day kung magkape, isa sa umaga at isa sa hapon. Pero para may twist, dala ang aking starbucks mug, ako ay bababa sa lobby upang magkape, isa din ito sa mga sagradong oras ko. So ikaw Jek2, pwede mo din gawin iyan, magtimpla ka ng kape at bumaba ka at pumuwesto ka sa may flag pole ng prestigious na munisipyo na pinagtatrabahuhan mo, tingan ko lang pag di pa natanggal ang antok mo. Makabawi ka manlang at for sure, sa tuwing lunes na flag ceremony niyo eh di ka umaatend.


Ilan lang yan sa mga maari mong gawin pag ikaw ay inaantok. Madami pang paraan na mas creative at mas makakatulong sa iyo gaya ng pag punta sa CR ng napakadalas kahit di ka naiihi, o pagkurot sa iyong braso at kamay hanggang bumaon ang mga kuko mo.


Muli salamat sa liham mo at sana ay nakatulong ako sa suliranin mo, hayaan mong bigyan kita ng isang larawan na pwede mong maging inspirasyon at magbigay lakas sa iyo. Pagdamutan mo na ang Half Boiled Egg at iyang Chicken Nugget.



Warmest regards,

Kuya Nog


8 comments:

About Me said...

Aba kuya nog (may kuya talaga)

Nag papayo ka narin? aba aba aba

Ibang level na to ha hahahaha.

nog said...

about you, yes pinasok ko na din ang ganitong gawain! HAHAHA! ang dami nga nagpapadala ng letter, iilan pa lang nababasa ko. HAHA!

thanks for dropping by!

tobobz said...

-->nog: you deserve some clap-clap! you did very well with your advising capabilities. fascinating!

-->to all readers: keep on reading.. tnx!

Unknown said...

hindi ko akalain na may talent ka rin pala sa pagpapayo nog! minsan nga ay makapagpadala ng liham dito hehe

nog said...

tobobz, yes, i can be an adviser to any problem... i'm very capable. thanks for the clap clap, really appreciate it. im giving back one clap to you. clap!
rock on!

gare, im slowly showing my talent through this blogsite. so prepare yourself for the coming talents that i will be sharing. sure send your letters and i'll gladly place it on the trash, peacefully. ok?
same with tobobz, rock on!

tobobz & gare, can you dance for me the "i want nobody nobody but you? " i've been hearing it everytime from monster radio. the beat is so lively. carry on!

toyomansi said...

Napapadaan lang po para magtanong. Sino po ang nagde-design ng blog nyo?

nog said...

dear toyomansi, ala po kaming designer. ang motto po ay, "plain and simple". ung startup ay si tobobz gumawa. pati sya din admin. sya na lahat. kaya tamo, iba iba ng font ung nsa gilid. HAHAHAHA! taga puna lang ako. please harass tobobz for any suggestion.

tobobz, like the sona that has a lot of parinig, well this serves as my parinig to you.

tobobz said...

-->toyomansi: blame it on the a-aaa-alcohol!

-->nog: it's hard!

-->sona: silicon valley?

Post a Comment