Wednesday, November 18, 2009

sabi nila

Matagal ko ng gustong mag post ng ganito. Lagi kasi kami nanonood dito sa pinoychannel.tv, nandyan kasi ang mga pinoy shows na di namin napapanood. At di lumalagpas sa mga mapanuri kong mata ang mga komento. Mayroong mga may sense, pero mas madami ang walang kwenta at sadyang nakakatawa. Narito ang mga ilang komento na nabibilang sa walang kwenta na kategorya. Dalawang shows palang yan, mauubos ang pahinang ito pag nilagay ko lahat. Marami silang ganyan. Mayroon pa nga, nag cocomment, "Im the first one!" kung siya ang unang makakapanood ng video. Kaya eto na, umpisahan na ang paglilista.


On PBB Double Up:
xearcian 2 hours ago Reply To This Post0
con't...and not interested in getting to know the girls better.lately nlang naman xa nglalalapit sa girls.kaya wag na kau mgtalo dahil may kanya2 sila weaknesses tulad natin.at hindi loob ng convent ang pinanonood natin

xearcian 2 hours ago Reply To This Post0
si cathy rin naman may landi rin,nd nga lang garapal.remember,kaya xa binoto ni rica dahil she's into boys

springselle 7 hours ago Reply To This Post0
i agree u bluebelle un ang sabi ni tom sa dalawa nong nkalabas na cya klarong klaron un so it means napansin din nya ang mga kalandian ng dalawa.ang mga guys malaman nila yan sa gurls if malandi or not the way kumilos.tama c tom ah kc sabi pa nya kawawa c rocky don sa dalawa kakahiya guy nagsabi ng ganyan what a shame.

smokesalmon 10 hours ago Reply To This Post0
diyos ko gma english ng house B siyos ko amg tagalog nalang akyo oi.iwan ko kung nag bobobobohan or sayang bobo ang mga babaeng ito sa house B.plastic ayaw mamili daw eh si tom nga binot niyo eh nakasama niya samantalang sa kabilang chance ang mga sinasabi nila para ke tom.mga tsismoso at tsismosa.

ruthdimple88 12 hours ago Reply To This Post0
hooy kung walang yuri at mariel boring, tsaka wala kong makitang pag lalandi or pag iinarte kola mariel at yuri.. may kanya kanyang character ang bawat tao, ung mga nag pipintas kayo mga pintasera kau, mas malala pa yan sa pagiging malandi!!! at least sila totoo ung pinapakita nila...

kuzi 11 hours ago2 Boring kung wala si jayson at melai, sila ung totoo ang pnapakta hindi ung pinapakita nila yuri at mariel dahil nakaka irita sila sa totoo lang... hindi nga sila malandi kaso mga alang breeding, tsismosa pa... palengkera ang mga boses...susme..
bluebelle 9 hours ago0 kung hindi malandi si mariel at yuri, bakit sabi ni tom mismo na dapat di tularan ni carol silang dalawa, at sabi pa nya..patay daw kawawa ang bagong pasok na si rocky sa kanilawang ni mariel at yuri...aberrr?????? ka housemate na nila mismo nagsabi ha? si tom na mismo..kc nilandian din sya sa dalawa..kaya lang no pansin sila dahil si princess ang sa kanya...kong di malandi si mariel bakit naging kabit aber?at duling naman si yuri..hehehe baka magkaugali kayo...hahaha peace!!!

Oyong65 12 hours ago Reply To This Post0
hay naku baklang rob na malapit nang mapanot, lumayas ka na dyan, sarap mong sapakin, tupperware!


On Krista and Pacquiao Issue watched from SNN:
ehanongayon? 60 mins ago Reply To This Post0
SUS PAG SA KIN NANGYARI YAN...SA DAMI NG PERA KO EH IPAPADUKOT KO SI KRISTA AT IPAPA RAPE KO!!!
potpot31 60 mins ago0
buti na lang at wala kang pera. kaya di ka pinayaman ni Lord kasi sa masama mo lang gagamitin!


starfishlanie just mins ago0 ay mali yon! pag ako si jinky papa videohan ko sila kagaya nina katrina halili at hayden kho tapos e post sa internet para naman makita ng lahat kung gaano ka kati si krista ranillo . hindi na nahiya sya din ang dahilan kung bakit naghiwalay sina gina alajar at michael de mesa. kabit din sya dati ni michael de mesa. gaga talaga kapal ng mukha eh.tapos nakunan pa sila ng video na nakasakay sa car ni manny .

Escarillo 2 hours ago Reply To This Post0
HOY ...IKAW KR PUMATOL KA SA WALANG ASAWA PARA HINDI KA MAKARMA OK MATAKOT KA KAY LORD PURKI MAYAMAN C PACMAN GAGAMITIN MO ANG MUKHA MO SA KANYA KAPAL

sakayanon 2 hours ago Reply To This Post0
GANUN NA MAN ANG MGA ASAWA.. SILUSA JUD MAN OII..BAKIT KAU MGA ASAWA MGA SILUSA...KAYA NGA ANG UBAN DHA TULUYAN NALANG GUMAWA SA IBA DAHIL KAU MGA BABAE D NA MAG PA SIPING DVA....NO HEARTS...FEELING HUHUHUHU

Escarillo 2 hours ago Reply To This Post0
HI..PACMAN LUMAYO KA SA MGA BABAE NA MAKATI HANAPLANG ANG PERA MO WAG-NAWAG SIRAIN ANG FAMILY MO ..AT IKAW JINKY WAGKANG PAPATALO GUSTO LANG SIRAIN KAYO WAGKANG IIYAK MAKAKAPAL ANG MUKHA YAN .PERA LANG ANG HANAPYAN SO GODBLESS YOUR FAMILY WAGKANG PADAIG SA MAKAKATING GIRL MAY PERA KA WALANG SINABI ANG MANGAYAN OK MANALIG KA KAY LORD NAGLALAWAY LANG YAN KAY PACMAN SA MONEY ANOH KAPAL GIRL

bencleric 2 hours ago Reply To This Post1
tama talaga si pacman. ang pinoy mahilig makialam sa ibang buhay ng tao. hindi nga naman nila tiningnan ang sarili nila kung ano meron sila. ugali talaga ng pinoy.

doggyball 2 hours ago Reply To This Post0
naku Pacman, ingat sa mga girls dahil baka iyan pa ang maging dahilan ng downfall mo..
bencleric 2 hours ago0 eh ano ang kailangan ni pacman? lalake? normal lang yan sa lalake kung may nainspire na babae

jrsfc212802 2 hours ago Reply To This Post1
hoy kristal kapal ng mukha mo.mamatay kana sana kakainis ka gaga
potpot31 60 mins ago0
mas masama pa ugali mo kay krista. kung may mali cya, wala tayong karapatan manghusga, bakit wala ba kayong ginagawang mali sa buhay nyo!even God (Jesus), didnt condemn adulterer (maria magdalene)...so sino tayo para humatol???
starfishlanie just mins ago0 hoy potpot! ikaw masama ang ugali! tama bang magpakabit sa isang lalaking may asawa just bcause of money.hindi naman nya mahal si manny , mahal nya money ni manny.!!!!

ganda23 3 hours ago Reply To This Post-1
tama ka dyan TEQUIRODAn kahit hndi kay manny na kilalang tao sa kahit sino ay tlagang asawa lang mgtatyga samahan ang aswa nila at aagapay din dahil my sinumpaan sila . Ang mga kabit dyan lang yan kapag may mapapala , yan ang mga kabit???????

kim_gerald 3 hours ago Reply To This Post0
mas maganda pa si jinky sa kanya...

kim_gerald 3 hours ago Reply To This Post0
ang kapal nmn ng face ni krista sa daming lallake jan sa may asawa pa pumatol.nasan ba ang mga magulang nito.lage nlng ciang kabit.para sa akin oo normal sa isang sikat at ubod ng yaman yan pero kung ako kay jinky ipaglaban nya na cia parin ang panlo dhil cia ung asawa.wag nyang hayaan mawala c manny dhil kawawa nmn ang mga bata din.at sana manny pls...wag sanang mangyari un dhil nku ang milyong tao ang tumitingala sau wag mong sirain un dhil lng sa isang krista ranillo na walang modo...mas maga

Sunday, October 25, 2009

samut-saring kuwento

Matagal-tagal din akong nawala at hindi sumulat. Baka alisin na ni tobobz ang aking pangalan sa blogsite na ito. Medyo naging abala din kasi ako ng mga nakaraang araw sa trabaho at sa darating kong exam sa October 31.

Nakakalungkot ang naging epekto ng back to back na bagyo na dumaan sa Pilipinas. Maraming mga kababayan natin ang nawalan ng bahay, marami ang sinirang ari-arian at kinitil na buhay. Sa ating mga tahanan nadarama na tayo ay ligtas at payapa, kung saan ang pamilya ay masayang nagsamasama at kung saan pinagsasaluhan ang biyaya ng Maykapal, kaya't sadyang nakakalungkot ang mawalan ng tahanan o makita mo na sinisira ng tubig ang mga gamit na iyong pinaghirapan. Kami dito sa Malaysia kasama ang aming community sa Couples for Christ ay patuloy na ipinagdarasal ang Pilipinas lalo na ang mga nasalanta ng bagyo (on the side ng aking panalangin ay ang mga lintek na kurakot na mga lider "kuno" ng ating bansa, ke kakapal ng inyong mga mukha).

Para makatulong sa ating kalikasan, sa halip na ilagay sa mga supot si tobobz ang aming mga pinamimili, bumili nalang kami ng "eco-bag". Inaabot din kasi ng napakaraming taon bago tuluyang mabulok ang mga plastik. Sa amin pa lang, 6-10 plastic bags na ang nagagamit sa aming pinamimili linggo-linggo(aksayado din kasi sa plastic ang grocery stores dito).
Ano pa ba ang mga naganap sa mga nakalipas na linggo?

Kami ay abala sa weekly Household Meeting ng Couples for Christ. Masaya ang samahang ito at kahit papaano, nababalanse ang buhay namin at napapaunlad ang aming pananalig at spiritual life.


Ang buwan ng October ay "Breast Cancer Awareness Month" kaya kasama si Michelle at ilang mga kaibigan, kami ay lumakad para sa suso. I mean, nakilahahok kami sa "Walk for World Pink" na ginanap sa paligid ng KL Tower.


Noong October 4, nagkaroon kami ng pagkakataon na mapanood ang ATP Malaysian Open. Naging panatiko din kasi kami ng tennis since last year, kaya't di namin ito pinalagpas kahit wala ang aming peborit na si Roger Federer. Si Davydenko nanalo sa finals against Verdasco.

Naging abala din ako sa pagpindot sa binili kong lomo camera. Ang lomography ay gumagamit ng film at nagbibigay ng vintage effect sa mga larawan nito. Bumili lang ako ng for beginner ung Superheadz Ultra Wide & Slim sa halagang 110RM. Wala itong flash, kaya't unang una, kailngan outdoor ang shots at dapat talagang mataas ang sikat ng araw. Madami pang ibang camera at iba din ang effects sa mga pictures. Pagaaralan ko muna ito, at kung masisiyahan ako, ipagpapatuloy ko ito.



Kanina naman, matapos kami magsimba, dumaan kami sa bilihan ng bonsai. Mahilig din kasi ako maglupa sa mga halaman. Katunayan sa aming apartment sa Makati, may 1 bonsai na akong alaga at ilang mga halaman na iniluwas pa namin mula Laguna.

At ang pinakamasaya sa lahat, kami ay uuwi sa darating na Disyembre! Naka book na ang aming tiket pauwi ng Pilipinas. Kita kita tayo!

Monday, September 28, 2009

ONDOY

Saturday morning, around 9am, September 26, 2009.

I woke up, because it is unusually cold that day. Could hear the storm from my room, which causes the cold weather that morning. I heard everyone at home were all up by that time. So, I went down just to check the situation. I checked our 'bakuran' and I could see the flood water reaching the gate and drive way.

By 12pm, flood water starts filling up the whole 'bakuran'. We never thought it would ever reach that high. (we're all confident that's the highest it could possibly reach)

By 3pm, flood water starts to break-in-to the house. It flows through the main door, from the dirty kitchen area drainage and the bathroom drainage. Everything happened so fast, I just found myself lifting, moving furniture and appliances to a 'baha-free' place, along with everyone else in the house of course.

By 4pm, electricity was shut off.

Here are some pics from Saturday's situation.
..


(shot from the 2nd floor of the house, right side, green roof was the 1st floor's roof)

(shot from the 2nd floor, front side)


(our 'bakuran', if I'm not mistaken, knee-high flood water level)


(shot from inside the house, about 6-10 inches high, may ilaw pa that time)


(my feet, soaked in 'baha', inside the house, brown-out na 'to)



Tuesday, August 25, 2009

ONSE-han (release 2)

being alone is really hard.

but, being single is easy and fun if you constantly join your friends, this will lessen the lonesome you feel.

and you'll surely forget being single once you get home to your family.

though most of the times i'm just alone. i hate the feeling, no friends to run to and tension at home makes you feel worst.

so i decided to make ONSE-han things to get by loneliness.

ONSE - maki-epal sa usapang ng iba.
example. kapag nakapila ka sa sakayan ng FX at narinig m
o ang nakapila sa likod mo na tinanong kung pa-quiapo ba to, umepal ka agad maski di ikaw tinatanong, "Opo pa-Quiapo po ito"

DYES- pag may nagpapapicture, makisingit ka.
example. kapag naglalakad ka sa mall at sa di mo malamang
kadahilanan eh may nagpapapicture sa mga mannequin at window display ng bench eh makisingit ka na agad. wag na wag humingi ng kopya matapos ang picture taking.

NWEVE - be generous sa jeep.
example. pumwesto malapit sa driver kapag sumakay ng jeep at abutin mo lahat ng bayad ng mga pasahero with smile. if medyo may natipuhan ka, ibayad m
o na lang din cia.

OCHO-OCHO - kapag naglalakad at may nakita kang
2 or more na taong magkasamang naglalakad, join them!
example. magjowa, magka-holding hands, maiisip mo bakit ikaw single, tapos malulungkot ka. pero don't entertain that thought, makisabay sa lakad nila
pero dont look at them para di obvious.

SHETE - textmate
example. makinig ka ng loveradio, bumili ng bulgar, dyaryo po ito. madami dun naghahanap ng textmate, just text them. "wEr N u, D2 n mE" "aGe U?" "h
Hi phow" "uZZtaH na Uh"

SAIS - watch movie.

example. sa gateway manuod o san mang sinehan na pwede mamili ng seats. choose a seat na napaggigitnaan ng madaming tao at bilhin un. pero wag yakapin ang katabi kapag nakaktakot ang palabas. isigaw na lang ang takot "si garong naka-bikini, WAAAAAH!"

SINGKO - watch concert
example. similar sa SAIS, pero no need to choose seat, kas
i panigurado may katabi kana nun. then makisigaw ka agad kapag sumigaw katabi mo ng "I LOVE YOU AIZA!"

KWATRO - chat
example. magdownload ng MIRC o kaya pasok ka sa y
ahoo chat. then hanap ka na ng pwede ka chat then later on ka-eyeball.

TRES - talk to your reflection
example. basta kumuha ng salamin at kausapin ang sarili. wag magtaka kung bakit sabay kau ng sinasabi, normal lang yan.

DOS - magpanggap na kakilala mo.

example. kapag may nakita kang tao na nag-iisa at parang may inaantay. lapitan agad at sabihin "jessica?" kung babae at "philip?" kung lalaki. may 90% chance na di un ang pangalan nila at magtataka kung kakilala ka ba nila, kahit papano tatagal ang uspan ng 5 minuto.

UNO - flood comments @ facebook
example. paglog-in mo pa lang sa facebook. co
mment-an lahat ng news feeds o post ng iba. panigurado may papatol sa comment mo may kausap ka na, yehey!

piz awt!


P.S.


mga KLASMEYT. gustuhin ko man i-scan itong pic na 'to wala akong mahagilap na scanner dito. kaya pagtyagaan nyo na lang ang munting ala ala...


L-R: (top) dax, tin, romano redublo,kuya randz, nog
(next line) jak, det, mishy, elizabeth, bea, chong, KLASMEYT
(sa baba) tobobz, albert, toyomansi

Sunday, August 9, 2009

aquaria


Isa akong pet lover, naranasan ko ng mag-alaga ng kalapati at pakawalan sa medyo malayo sa aming bahay tapos sasabayan niyo ng inyong mga kalaro ng masigabong palakpakan, ewan ko lang kung ano nagagawa ng palakpak, pero sa aking teorya, baka para lumipad o romonda pa sila ng romonda o mas makabihag pa sila ng ibang kalapati na iuuwi nila sa inyong bahay. Pag nga may kasalan, at parte na kailngan ang puting kalapati sa seremonyas, lagi ko hinihiling na sana magawi sa akin yung kalapati at siguradong yari sakin yon.

Nakapagalaga na din ako ng manok na panabong sa bulacan, texas kung tawagin namin ito. May dilaw kaming alaga, pula at yung orange na may puti. Maganda siyang alaga, minsan dadaan ka lang sa harap niya ay bigla ka nalang tutukain at sasabungin at papaluan ng wala kang kalaban-laban. Lahat ng inahin nga namin ay inilalayo namin sa mga tinali sapagkat humihina sila pag madaming mga pakawala este nakawawalang inahing manok.

Nakapagalaga din ako ng mga gagamba, yung mga ikukulong mo sa kaha ng posporo, na ang divider ay tingting o dahon ng niyog. Kung ngayon cellphone ang nasa tabi ng aking unan, noon, sila ang aking katabi. Ang nakakatuwa sa kanila ay kung saang puno o lugar nahuli, iyon ang pangalan niya – gagambang bayabas, gagambang sampaloc, gagambang kuryente pag sa kawad ng kuryente mo nahuli. Minsan ako’y atat na atat sa paguwi galing eskwelahan para makapiling ko na ang aking mga gagamba, ngunit pag dating ko, sila ay nilalanggam na ng walang kalaban laban.

Nag alaga din ako ng pagong, bigay ito ng kaiskwela ko noong high school dahil ayaw na daw sa kanya paalagaan, kaya’t inampon ko ito. Ngunit di nagtagal nagagalit na ang aking nanay at ipamigay ko na daw dahil malas ang pagong. Kaya ayun, pinamigay ko na rin.

Ngunit kung may number 1 at number 2 sa aking mga paboritong hayop, ito ay ang aso at ang isda. Noong high school ako ay talagang gustong gusto ko magka-aquarium kaso di ako makabili dahil sa tinggin ko ay di ko naman kaya bilin. Sa tuwing pupunta kami sa bahay ng kaiskwela ko na may aquarium, talaga namang ako ay sabik na sabik sa aquarium at isda, lalo na pag naka on yung ilaw at nakikita silang naghahabulan. Pero ng malaon ay nawala din ang sidhi ng aking pagkakahilig at nakalimutan na ito at natanggap na darating din ang panahon na magkakaroon ako ng malaking aquarium.

Noong kami naman ng aking maylabs ay ikasal, nagplano kami na bumili ng aso na Labrador retriever, naalala ko kung saan saan din ako nakarating para makita ang aso at maginquire. Ngunit hindi rin ito natuloy sapagkat maliit lamang ang aming inuupahang apartment sa Makati. Tipong pwede kang magluto habang naliligo ka. Ilang hakbang lang ang distansya ng bawat lugar sa bahay. Naiisip namin na kawawa naman yung aso kung sa ganoon lang titira at isa pa langhap na langhap namin ang kanyang wiwi at poopoo kaya’t nag desisyon nalang kami na huwag na muna.

Dito sa KL o maski sa pinas sa bio-research, ugali na naming dumaan sa petshop sa mga mall, pampalipas oras at makita ang mga hayop na gusto naming alagaan. Kanina matapos naming magsimba, dumaan kami sa isang petshop at nag ikot ikot. Maya’t maya pa ay nagtanong ako ng isda at aquarium. At natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa cashier at nagbabayad.

Narito ang larawan ng binili kong 6 gal aquarium. Akala ko nga ay mahirap iuwi sa laki nung aquarium, nagalala ako baka kasi mabasag ang first aquarium ko.


Ang nilalaman ng aquarium, mga 10 basong tubig, isang pekeng puno ng niyog, 5 pirasong bato at ang 2
guppy fish. Di muna kami bumili ng may filter at ng oxygen, saka na. Tamang masabi lang na aquarium. Ang guppy fish daw ay mabubuhay ng 1 year kahit alang filter basta papalitan ang water every two days. Masisigla naman sila so far. Sa susunod na linggo, plano ko sila isama sa swimming at papachekup ko din sila sa vet, para magkaroon sila ng fish book kung saan maitatala ang kanilang kalagayan.

Sa ngayon umiisip pa kami ng pangalan. Pwedeng bobby-angelu o Sergio-marimar. Tobobz, any bright idea?
"Aanhin mo ang malaking aquarium kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang fish bowl na ang nakatira ay guppy"

Thursday, August 6, 2009

yellow day

Cory Aquino was buried yesterday. I would just like to share a video captured by my officemate , the closest she could get to the cortege of our former president. She posted this on facebook and I asked her permission to re-post it here.




Along Osmena Highway going to Buendia. It was raining but still people gathered to pay tribute and say goodbye to our beloved Corazon Aquino. The birds you saw, they were released by those poor people who were patiently waiting for the casket to pass by. They even prepared their own confetti of torn papers that seemed to be yellow pages and newspapers. - exact description from her facebook post

It was holiday yesterday but I have to work. I couldn't help but notice yellow ribbons tied on vehicles, posts, MMDA signs along the way. It was raining yesterday morning on my way to Ortigas and struggled to take a photo of this ribbon, dripping wet.


It was a sad day yesterday, as sad as this picture depicts. Wet, gloomy and blurry.


Maria Corazon Cojuangco Aquino
January 25, 1933 - August 1, 2009



Saturday, August 1, 2009

Salamat Tita Cory


Tatlong taon ako noong panahon ng Edsa Revolution habang si tobobz ay grade 2 na noon at nilalakad ang lalim ng tubig baha sa sampaloc. Sa bawat wang wang na naririning naming magkakapatid at magpipinsan sa labas ng bahay ng aming lola, kami ay sisigaw ng “Cory! Cory!” habang ang aming kamay ay nakaporma ng cory sign, may manaka-nakang pagtalon pang kasama. Mas malakas ang sigaw mas panalo ka.

Hindi pa namin nauunawaan ang mga pangyayari noon. Sa paaralan ko na lamang natutunan ang mga naganap at nalaman ang tunay na kwento ng “Cory! Cory!” at ng cory sign.

26 na ako ngayon at masasabi ko na ngayon ko lang lubusang naunawaan ang halaga ng ipinaglaban ni Tita Cory at Ninoy. Sayang nga lang at ang ating Gobyerno ngayon ay punong puno ng kawatan na ang iniisip lang ay ang kanilang sariling kapakanan. Maraming bata na sana ang nag-aaral sa halip na namumundok; marami na ding pamilya ang makakain at hindi magtitiis sa gutom kung walang mga magnanakaw ng pera ng bayan.

Sa katapangang iyong ipinakita. Paninindigang hindi nabuwag kahit ng malalaking tangke. At higit sa lahat sa pagbabalik ng kalayaan at demokrasya ng Bansang Pilipinas. Maraming Salamat po!

Maraming Salamat Tita Cory! May you rest in peace.

Tuesday, July 28, 2009

ONSE-han (release 1)

Welcome to ONSE-han!

What is ONSE-han: rather than the usual "top ten" , I decided to make it eleven or ONSE. Eleven things about a particular topic. For the Release 1:

ONSE-han on my office desk. (Normal hangang medyo sumablay)

ONSE: Calendar

(memory gap kaya madaming post it)

DYES: Empty canister of Halls

(madami nabibiktima yan kala me laman)

NWEVE: Empty clay doh, hair wax

(alam ko mabango yan pero di ko naman sinisinghot, maganda lang un lalagyan)

OCHO-OCHO: Mirror


(minana ko pa yan sa lolo ko, side mirror para kung me dumadating, ALT-TAB agad, cute ng nag kuha ng picture)

SHETE: Spray container + alcohol

(panlaban sa A(H1N1))

SAIS: Paper mouse pad

(-->nog: hindi ito ka-jologsan, ayaw ko lng gumamit ng mouse pad, mas ok sakin 'tong papel, kelangan na palitan may punit na pala)

SINGKO: Quote on post-it

(ang nagbibigay sakin ng lakas ng loob kapag madaming bugs)
("In a day, when you don't across any problem, you can be sure that you are traveling in wrong path")

QUATRO: Vase?

(mukha lang vase pero termost po 'yan. -->nog: hindi yan un vase sa altar nyo, di ko ninakaw yun)

TRES: Tomador...

(ayaw ko kasing uminom)

DOS: Frankenstein?

(straw ng slurpee from 7-11, medyo kahawig ko din kaya memorable)

UNO: Megastar, ate shawee?


(si shawee, ang natuyot na starfish)



(kuha sa medyo malayo)

Saturday, July 25, 2009

Fan Mail ni Jek2

Dear Kuya Nog,


Ako po si Jekjek, pag itextext niyo po ako Jek2 nalang for short. Ako po ay kasalakuyang nagtatrabaho sa isang prestigious na munisipyo sa bayan ng Pangasinan. Ako po ay masugid na tagasubaybay ng inyong blog. Minsan po kasi ako nag search ng porn sa google at unang una po sa list na lumabas ay ung isang entry ni tobobz, ung ka-tandem niyo po. Mula po noon, di na ako nahilig sa porn, at talagang kina-adikan ko na ang blogs niyo. Ginagawa ko siyang habit sa tuwing umaga para simulan ang aking araw. Talaga naman pong sumasakit ang tiyan ko at nangangawit ang panga ko sa kakatawa. Pakiramdam ko po ay tinatayuan wala akong problema sa buhay. Ang pakay ko po ay upang isangguni ang aking suliranin sa trabaho, madalas po kasi akong dalawin ng antok at di ko talaga mapigilan at kung minsan bigla nalang akong magugulat at magigising sa pagkakatulog. Kahit madaming gawain ay di ko maiwasan ang antukin. Ano po ba ang dapat kong gawin? Aasahan ko po ang inyong payo.


Lubos na umaasa,

Jekjek ng Pangasinan (Jek2 for short)



Dear Jek2,


Ako ay nagpapasalamat sa patuloy mong pagsubaybay sa aming blogs. Sa katunayan nga nang sabihin ko ito kay tobobz, talagang na-touch siya at hanggang sa ngayon ay di pa rin mapigilan ang pagluha. Nag-aalala na din nga kami baka pasukan na ng hangin ang kanyang utak, pero sana naman ay wag muna sa ngayon at kailngan pa natin siya.


Mapunta tayo sa iyong problema, ako mismo ay araw-araw na dinadalaw ng antok sa opisina. Track record ko na yata ang pagiging antukin. Naalala ko pa minsan na nakatulog ako sa midterm ng Linear Algebra nung college, puyat naman kasi ako nung araw bago ng exam, galing ako sa shift ko sa Greenwich.


Kumpleto naman ang tulog ko, pero syempre may mga araw din na kulang. May nabasa ako minsan na di ko na matandaan yung source, na normal lang daw ung 6 to 7 hrs na tulog, sapagkat pag ito ay bumaba sa 6 o lumagpas sa 7, ay mas lalo kang aantukin. So wag kang ganid sa tulog.


Subalit kung minsan papasok ng opisina, pakiramdam ko ba ay talagang kulang ako sa tulog at antok na antok, maaga palang kasi ay gising na ako upang maghanda ng baon namin ng aking asawa at ihatid siya sa bus stop. Sa pilipinas, pag sakay ko ng FX, kanya kanya na. 45 minutes din na biyahe yon, 45 minutes na tulog na may manakanakang pag tulo ng laway at pag untog sa salamin ng bintana ng FX, mas malakas mas masakit. Minsan di mo maiiwasan ang mga kasakay na naknakan ng daldal na buong FX eh naririnig ang hagalpakan nila at akala mo ba ay sila lang ang tao sa FX. Dito naman sa Malaysia, 20 minutes lang ay nasa opisina na ako kung walang traffic, sa harap ng condo ay magaabang na ako ng bus, at isa ito sa mga sagradong sandali ng aking buhay, ikakabit ko na ang aking headset, at magnanakaw ng tulog oras na maupo ako sa bus, kulang nalang pati tulog ng katabi ko ay nakawin ko. Minsan gusto ko din na traffic kahit abutin manlang ng 30 minutes ang biyahe para mahabahaba ang aking tulog.


Jek2, baka naman kasi nalulugmok ka sa PMS at Cyber Sex, umamin ka na, kaya siguro madalas kang antok at pagod. Parang say no to drugs lang yan. So hangga’t maaga pa at hindi pa huli ang lahat, lubayan mo na yan. Kaysa naman pag dating ng panahon ang sinasabi mo na ay Aanhin mo pa ang damo kung patay na si Jek2 ang kabayo. Mas ok kung “May Energy mas Happy” diba?


Ugaliin mo din na mag exercise o mahilig sa sports. Gaya ko, ako ay nag jojogging, swimming at badminton. Kung pakiramdam mo ay ayaw ka nila isali, umepal ka nalang, kapalan mo nalang mukha mo at siguradong di ka nila sasawayin. Ipakita mong sporty ka at hindi lampa. Malaking tulong ang exercise sa katawan natin at maiwasan ang pagiging antukin.


Sa opisina, nagpapatugtog din ako ng magagandang sounds o kaya ay nakikinig sa monster radio. Sa ngayon, paulit ulit lang ang kanta ni David Archuleta na Touch my Hand, saka ung Nobody Nobody but You at yung may Romeo and Juliet ni Taylor Swift. Bakit di mo subukang aralin yung Nobody Nobody but you. Magandang paraan din yan upang di ka antukin. O kaya naman ay magkape ka, para magkanerbyos ka naman sa katawan. Siguradong tanggal ang antok mo, na-ngi-ngi-nig-ngi-nig pa. Ako twice a day kung magkape, isa sa umaga at isa sa hapon. Pero para may twist, dala ang aking starbucks mug, ako ay bababa sa lobby upang magkape, isa din ito sa mga sagradong oras ko. So ikaw Jek2, pwede mo din gawin iyan, magtimpla ka ng kape at bumaba ka at pumuwesto ka sa may flag pole ng prestigious na munisipyo na pinagtatrabahuhan mo, tingan ko lang pag di pa natanggal ang antok mo. Makabawi ka manlang at for sure, sa tuwing lunes na flag ceremony niyo eh di ka umaatend.


Ilan lang yan sa mga maari mong gawin pag ikaw ay inaantok. Madami pang paraan na mas creative at mas makakatulong sa iyo gaya ng pag punta sa CR ng napakadalas kahit di ka naiihi, o pagkurot sa iyong braso at kamay hanggang bumaon ang mga kuko mo.


Muli salamat sa liham mo at sana ay nakatulong ako sa suliranin mo, hayaan mong bigyan kita ng isang larawan na pwede mong maging inspirasyon at magbigay lakas sa iyo. Pagdamutan mo na ang Half Boiled Egg at iyang Chicken Nugget.



Warmest regards,

Kuya Nog


Wednesday, July 22, 2009

fernando POE-T jr.

'Fool' of Love

You don't know how much you mean to me,

I don't know if you care at all.
Everything you request; consider it done,
For I will do anything; just ask one by one.

What do you want... Baby or Honey?
I'll call you by the name you want... Sweety?
I'll always trust you, I will not argue,
I will not criticiz
e, I'll always cherish you.

I'll give you my time; even a clock that rings,
For sure you want a ring... I'll give you one, plus earrings.
I'll take you to wherever you want,
But please don't lose me in the dark with your cruel Aunt.

I promise not to kiss you on our dates,
Not touch your hands; even your nails t
hat's red.
You can do anything to me,

Just don't stab that knife to me.


For my heart beats because of you,

And hoping you say "I do".
What you see is what you get,

I LOVE YOU please do not forget.


A poem I wrote for a our college news letter, August 26, 2002. It brings back a lot of memories. And because every post contains pic/pics, I choose this poster to inspire all of us:






Sunday, July 19, 2009

Mga Taong Putol


Noong maliit pa lamang yung ano ko ako, naalala ko ng minsan akong magbakasyon sa maynila dahil Christmas break ay nagpunta kami s C.O.D. sa cubao para manood ng mga manikin na gumagalaw, lumalakad, sumasayaw at nag da-dialouge sa saliw ng mga kantang pamasko... kahit pupungas pungas pa ako ay nasisiyahan ako sa aking napapanood. kaya naman, para kayo ay aliwin at ibalik ang ala-ala ng mga manikin, narito ang ilang litrato ng mga manikin na palihim kong kinunan sa loob ng carrefour grocery store. isa na ding dahilan nito ay para tapatan ang mga litrato ni tobobz, mula noong budha beads and choker days niya hanggang sa maging si makisig na siya.

Una sa listahan ay ang kids collection:
tobobz, bata pa yan. wag mong pakatitigan



Sunod naman ang men's wear:
in yellow is tobobz, 1 year after graduation, (circa 2005)



tobobz circa 2009.

Let's now go to ladies collection:




At ang ating espesyal na bisita, Ms. Celia Rodriguez in her office, losyang and bagong ligo collection:


Maswerte na nga sila at mga putol lang sila, may mga ilan sa divisoria na aking nakita ay may pang itaas nga, pero alang pang ibaba o di naman ay may pang ibaba, pero hubad ang itaas. di manlang nirespeto ang mga manikin na nagtatrabaho 24/7. sayang nga lang at di ko sila nakuhanan noon, para naisama ko dito sa koleksyong ito.

"di bale nang putol, may damit naman."