What is ONSE-han: rather than the usual "top ten" , I decided to make it eleven or ONSE. Eleven things about a particular topic. For the Release 1:
ONSE-han on my office desk. (Normal hangang medyo sumablay)
ONSE: Calendar






Dear Kuya Nog,
Ako po si Jekjek, pag itextext niyo po ako Jek2 nalang for short. Ako po ay kasalakuyang nagtatrabaho sa isang prestigious na munisipyo sa bayan ng Pangasinan. Ako po ay masugid na tagasubaybay ng inyong blog. Minsan po kasi ako nag search ng porn sa google at unang una po sa list na lumabas ay ung isang entry ni tobobz, ung ka-tandem niyo po. Mula po noon, di na ako nahilig sa porn, at talagang kina-adikan ko na ang blogs niyo. Ginagawa ko siyang habit sa tuwing umaga para simulan ang aking araw. Talaga naman pong sumasakit ang tiyan ko at nangangawit ang panga ko sa kakatawa. Pakiramdam ko po ay tinatayuan wala akong problema sa buhay. Ang pakay ko po ay upang isangguni ang aking suliranin sa trabaho, madalas po kasi akong dalawin ng antok at di ko talaga mapigilan at kung minsan bigla nalang akong magugulat at magigising sa pagkakatulog. Kahit madaming gawain ay di ko maiwasan ang antukin. Ano po ba ang dapat kong gawin? Aasahan ko po ang inyong payo.
Lubos na umaasa,
Jekjek ng Pangasinan (Jek2 for short)
Dear Jek2,
Ako ay nagpapasalamat sa patuloy mong pagsubaybay sa aming blogs. Sa katunayan nga nang sabihin ko ito kay tobobz, talagang na-touch siya at hanggang sa ngayon ay di pa rin mapigilan ang pagluha. Nag-aalala na din nga kami baka pasukan na ng hangin ang kanyang utak, pero
Mapunta tayo sa iyong problema, ako mismo ay araw-araw na dinadalaw ng antok sa opisina. Track record ko na yata ang pagiging antukin. Naalala ko pa minsan na nakatulog ako sa midterm ng Linear Algebra nung college, puyat naman kasi ako nung araw bago ng exam, galing ako sa shift ko sa
Kumpleto naman ang tulog ko, pero syempre may mga araw din na kulang. May nabasa ako minsan na di ko na matandaan yung source, na normal lang daw ung 6 to 7 hrs na tulog, sapagkat pag ito ay bumaba sa 6 o lumagpas sa 7, ay mas lalo kang aantukin. So wag kang ganid sa tulog.
Subalit kung minsan papasok ng opisina, pakiramdam ko ba ay talagang kulang ako sa tulog at antok na antok, maaga palang kasi ay gising na ako upang maghanda ng baon namin ng aking asawa at ihatid siya sa bus stop. Sa pilipinas, pag sakay ko ng FX, kanya kanya na. 45 minutes din na biyahe yon, 45 minutes na tulog na may manakanakang pag tulo ng laway at pag untog sa salamin ng bintana ng FX, mas malakas mas masakit. Minsan di mo maiiwasan ang mga kasakay na naknakan ng daldal na buong FX eh naririnig ang hagalpakan nila at akala mo ba ay sila lang ang tao sa FX. Dito naman sa Malaysia, 20 minutes lang ay nasa opisina na ako kung walang traffic, sa harap ng condo ay magaabang na ako ng bus, at isa ito sa mga sagradong sandali ng aking buhay, ikakabit ko na ang aking headset, at magnanakaw ng tulog oras na maupo ako sa bus, kulang nalang pati tulog ng katabi ko ay nakawin ko. Minsan gusto ko din na traffic kahit abutin manlang ng 30 minutes ang biyahe para mahabahaba ang aking tulog.
Jek2, baka naman kasi nalulugmok ka sa PMS at Cyber Sex, umamin ka na, kaya siguro madalas kang antok at pagod. Parang say no to drugs lang yan. So hangga’t maaga pa at hindi pa huli ang lahat, lubayan mo na yan. Kaysa naman pag dating ng panahon ang sinasabi mo na ay Aanhin mo pa ang damo kung patay na si Jek2 ang kabayo. Mas ok kung “May Energy mas Happy” diba?
Ugaliin mo din na mag exercise o mahilig sa sports.
Sa opisina, nagpapatugtog din ako ng magagandang sounds o kaya ay nakikinig sa monster radio. Sa ngayon, paulit ulit lang ang kanta ni David Archuleta na Touch my Hand, saka ung Nobody Nobody but You at yung may Romeo and Juliet ni Taylor Swift. Bakit di mo subukang aralin yung Nobody Nobody but you. Magandang paraan din yan upang di ka antukin. O kaya naman ay magkape ka, para magkanerbyos ka naman sa katawan. Siguradong tanggal ang antok mo, na-ngi-ngi-nig-ngi-nig pa. Ako twice a day kung magkape, isa sa umaga at isa sa hapon. Pero para may twist, dala ang aking starbucks mug, ako ay bababa sa lobby upang magkape, isa din ito sa mga sagradong oras ko. So ikaw Jek2, pwede mo din gawin iyan, magtimpla ka ng kape at bumaba ka at pumuwesto ka sa may flag pole ng prestigious na munisipyo na pinagtatrabahuhan mo, tingan ko lang pag di pa natanggal ang antok mo. Makabawi ka manlang at for sure, sa tuwing lunes na flag ceremony niyo eh di ka umaatend.
Ilan lang yan sa mga maari mong gawin pag ikaw ay inaantok. Madami pang paraan na mas creative at mas makakatulong sa iyo
Muli salamat sa liham mo at
Warmest regards,
Kuya Nog
Ikalawa naman, ito ay nagmukang resume. May prestigious ka pang nalalaman. Sana sinabi mo agad, para nabigyan kita ng Letter of Application ko. Pero hahayaan ko na iyan. Papalagpasin ko muna sa ngayon. Total, iniangat mo din naman ang aking pangalan.
Budha beads na samut-saring kulay, minsan naka ayon pa sa kung anong kulay ng damit ang suot. Nang mauso naman ang choker, iba’t ibang klase din, may parang kahoy, may puti. Mas masikip mas maganda mas malaki ang chance na machoke. Yan si tobobz, medyo jologs. HAHAHA! Noong una, di ko pinapansin ung mga jokes o banat niya na kung pakakasuriin mo ay korni naman. Dinadaan nalang sa performance and delivery kaya maraming naloloko. Subalit ng malaon ay unti-unti itong nag improve at hit na ang mga joke niya. Noon parang poste lang siya ng meralco sa may M. Dela Fuente, pero ng makaluwag luwag at makapagtrabaho (wag nating kalimutan na “prestigious company”) aba, para na siyang poste sa baywalk, maynila, nagkabuhay na kahit papaano. Teka nakakarami na yata ako. Mabuting itigil ko na ito at maireserve sa ibang pagkakataon. Sa ngayon, sinisigurado ko na madaming mga nakatagong patawa at pakwela yang si tobobz. Don't judge him by my description.
Actually di naman ako kilala sa tawag na Nog nung college, HS lang ng ako’y tawaging Nog ng aking mga kaibigan. Di ko nga alam kung bakit yun ang tawag sa akin. Hanggang sa ngayon, pinipilit ko pa ding hanapin ang kasagutan upang mabuo na ang aking pagkatao. Sa araw-araw kong hinaharap ang buhay pakiramdam ko ba ay tila may kulang. Pero sa ngayon lang ito, sa mga susunod na blog, papalitan ko itong Nog. Palitan natin ng mas mukang mayaman at nakakaluwag sa buhay na pangalan.
Bilang pag tatapos sa aking pagpapakilala, hayaan niyong ibahagi ko ang larawang ito:
This blog is between two authors, nog and tobobz. Blog posts would definitely focus on comical events that these authors face on their daily activities. No harm is intended with the creation of this blog, just two friends who share the same passion for funny things. If any post or picture offended you in any way, just post a comment and we’ll gladly delete it for you. Enjoy!