para sa 3rd installment ng ONSEhan, 11 words or phrase REAL MEN should never use. Nakuha ko ang inspirasyon mula kay Lourd de Veyra, pero dadagdagan ko ng sarili kong inputs para BONGGA, este para COOL.
ONSE - loveit / lavet
Madalas ko tong marinig sa commercials at sa mga pinoy talkshows. At ang pag-pronounce nito ay as one-word, "lavet".
example: BOY1: pre, ok yun SALT no, ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre, loveit!
DYES- bongga*
Parang eto ata ay no explanation needed. Pero minsan eh 2x pa itong binubulalas, "BONGGANG BONGGA"!
example: BOY1: pre, ok yun SALT no, ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre, BONGGA!
NWEVE - thingie*
may refer to anything. yun lang!
example: BOY1: pre, ok yun SALT no, ang ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre, ay labas yun thingie mo!
OCHO-OCHO - di kaya ng powers ko*
Isa pa ata to, no explanation necessary. Kung dati e si darna at kapitan bawang lang ang may powers, ngayon maski sino e meron na.
example: BOY1: pre, ok yun SALT no, di kinaya ng powers ko ang ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre!
SHETE - fave*
may refer to anything you really like or favorite mo.
example: BOY1: pre, fave ko yun SALT, ang ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre, fave ko yun hair nya!
SAIS - _ness
Ang hulaping -ness. kinakabit ito sa kahit anong salita, mapatagalog man o english. Either you agree or disagree with something e kakabitan mo ng -ness just to make a stress to your point. likeness, cuteness, asar-ness...
example: BOY1: pre, likeness ko yun SALT, ang ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre, cuteness!
SINGKO - palong-palo
Dati kinakatakutan ko ang palo, kasi masakit, nasubukan ko na lahat: sinturon, walis, kawayan at kahoy. aba ngayon e iba na pala ang meaning nito. Kung baga e mabenta o ayos ang isang bagay.
example: BOY1: pre, ok yun SALT no, ang ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre, palong-palo!
KWATRO - pak
halintulad ito sa SINGKO. Kasi nga palong-palo so may tunog, PAK! same meaning pero deserving ito ng isang spot kasi mas malala.
example: BOY1: pre, ok yun SALT no, ang ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre, pak na pak!
TRES - girl
Madalas ko tong marinig, as in madalas. Di ko na lang sabihin kung saan basta andito ako sa lugar na ito 5days a week. Instead of calling someone by his/her name e "girl" ang itatawag mo sa kanya, worst "gurl".
example: BOY1: girl, ok yun SALT no, ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo gurl!
DOS - kalurkey
Sinasambit ito kapag, nakakabaliw ang isang bagay. Katulad din ito ng "kaloka" noong 80's pero nagevelove na sya.
example: BOY1: pre, ok yun SALT no, ang ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre, kalurkey!
UNO - teh
ayan na ang malala, bukod sa girl e teh ang ginagamit. Kung noong 80's e kapatid mo lang ang ate mo, ngayon maski sino ay tinatawag ng teh.
example: BOY1: teh, faveness ko na yun SALT, ang bongga ni Angelina Jolie. BOY2: oo girl, pak na pak!
*entries from Lourd's article
**ang larawang ito ay walang kinalaman sa article, pero maari kayong bumoto: kalurkey o bongga? just post your comments**
2 comments:
ang sagot ko sa larawan. kasuka. yung thingie mo nakalawit ng bonggang bongga!
mr.blackcrv a.k.a. nog because of the word "BLACK", fave ko ang thingie ko kasi huge! pak!
Post a Comment