I woke up, because it is unusually cold that day. Could hear the storm from my room, which causes the cold weather that morning. I heard everyone at home were all up by that time. So, I went down just to check the situation. I checked our 'bakuran' and I could see the flood water reaching the gate and drive way.
By 12pm, flood water starts filling up the whole 'bakuran'. We never thought it would ever reach that high.(we're all confident that's the highest it could possibly reach)
By 3pm, flood water starts to break-in-to the house. It flows through the main door, from the dirty kitchen area drainage and the bathroom drainage. Everything happened so fast, I just found myself lifting, moving furniture and appliances to a 'baha-free' place, along with everyone else in the house of course.
By 4pm, electricity was shut off.
Here are some pics from Saturday's situation...
(shot from the 2nd floor of the house, right side, green roof was the 1st floor's roof)
(shot from the 2nd floor, front side)
(our 'bakuran', if I'm not mistaken, knee-high flood water level)
(shot from inside the house, about 6-10 inches high, may ilaw pa that time)
(my feet, soaked in 'baha', inside the house, brown-out na 'to)
but, being single is easy and fun if you constantly join your friends, this will lessen the lonesome you feel.
and you'll surely forget being single once you get home to your family. though most of the times i'm just alone. i hate the feeling, no friends to run to and tension at home makes you feel worst.
so i decided to make ONSE-han things to get by loneliness.
ONSE - maki-epal sa usapang ng iba. example. kapag nakapila ka sa sakayan ng FX at narinig mo ang nakapila sa likod mo na tinanong kung pa-quiapo ba to, umepal ka agad maski di ikaw tinatanong, "Opo pa-Quiapo po ito"
DYES- pag may nagpapapicture, makisingit ka. example. kapag naglalakad ka sa mall at sa di mo malamang kadahilanan eh may nagpapapicture sa mga mannequin at window display ng bench eh makisingit ka na agad. wag na wag humingi ng kopya matapos ang picture taking.
NWEVE - be generous sa jeep. example. pumwesto malapit sa driver kapag sumakay ng jeep at abutin mo lahat ng bayad ng mga pasahero with smile. if medyo may natipuhan ka, ibayad mo na lang din cia.
OCHO-OCHO - kapag naglalakad at may nakita kang 2 or more na taong magkasamang naglalakad, join them! example. magjowa, magka-holding hands, maiisip mo bakit ikaw single, tapos malulungkot ka. pero don't entertain that thought, makisabay sa lakad nila pero dont look at them para di obvious. SHETE - textmate example. makinig ka ng loveradio, bumili ng bulgar, dyaryo po ito. madami dun naghahanap ng textmate, just text them. "wEr N u, D2 n mE" "aGe U?" "hHi phow" "uZZtaH na Uh"
SAIS - watch movie. example. sa gateway manuod o san mang sinehan na pwede mamili ng seats. choose a seat na napaggigitnaan ng madaming tao at bilhin un. pero wag yakapin ang katabi kapag nakaktakot ang palabas. isigaw na lang ang takot "si garong naka-bikini, WAAAAAH!"
SINGKO - watch concert example. similar sa SAIS, pero no need to choose seat, kasi panigurado may katabi kana nun. then makisigaw ka agad kapag sumigaw katabi mo ng "I LOVE YOU AIZA!"
KWATRO - chat example. magdownload ng MIRC o kaya pasok ka sa yahoo chat. then hanap ka na ng pwede ka chat then later on ka-eyeball.
TRES - talk to your reflection example. basta kumuha ng salamin at kausapin ang sarili. wag magtaka kung bakit sabay kau ng sinasabi, normal lang yan.
DOS - magpanggap na kakilala mo. example. kapag may nakita kang tao na nag-iisa at parang may inaantay. lapitan agad at sabihin "jessica?" kung babae at "philip?" kung lalaki. may 90% chance na di un ang pangalan nila at magtataka kung kakilala ka ba nila, kahit papano tatagal ang uspan ng 5 minuto.
UNO - flood comments @ facebook example. paglog-in mo pa lang sa facebook. comment-an lahat ng news feeds o post ng iba. panigurado may papatol sa comment mo may kausap ka na, yehey!
piz awt!
P.S.
mga KLASMEYT. gustuhin ko man i-scan itong pic na 'to wala akong mahagilap na scanner dito. kaya pagtyagaan nyo na lang ang munting ala ala...
L-R: (top) dax, tin, romano redublo,kuya randz, nog (next line) jak, det, mishy, elizabeth, bea, chong, KLASMEYT (sa baba) tobobz, albert, toyomansi
Isa akong pet lover, naranasan ko ng mag-alaga ng kalapati at pakawalan sa medyo malayo sa aming bahay tapos sasabayan niyo ng inyong mga kalaro ng masigabong palakpakan, ewan ko lang kung ano nagagawa ng palakpak, pero sa aking teorya, baka para lumipad o romonda pa sila ng romonda o mas makabihag pa sila ng ibang kalapati na iuuwi nila sa inyong bahay. Pag nga may kasalan, at parte na kailngan ang puting kalapati sa seremonyas, lagi ko hinihiling na sana magawi sa akin yung kalapati at siguradong yari sakin yon.
Nakapagalaga na din ako ng manok na panabong sa bulacan, texas kung tawagin namin ito. May dilaw kaming alaga, pula at yung orange na may puti. Maganda siyang alaga, minsan dadaan ka lang sa harap niya ay bigla ka nalang tutukain at sasabungin at papaluan ng wala kang kalaban-laban. Lahat ng inahin nga namin ay inilalayo namin sa mga tinali sapagkat humihina sila pag madaming mga pakawala este nakawawalang inahing manok.
Nakapagalaga din ako ng mga gagamba, yung mga ikukulong mo sa kaha ng posporo, na ang divider ay tingting o dahon ng niyog. Kung ngayon cellphone ang nasa tabi ng aking unan, noon, sila ang aking katabi. Ang nakakatuwa sa kanila ay kung saang puno o lugar nahuli, iyon ang pangalan niya – gagambang bayabas, gagambang sampaloc, gagambang kuryente pag sa kawad ng kuryente mo nahuli. Minsan ako’y atat na atat sa paguwi galing eskwelahan para makapiling ko na ang aking mga gagamba, ngunit pag dating ko, sila ay nilalanggam na ng walang kalaban laban.
Nag alaga din ako ng pagong, bigay ito ng kaiskwela ko noong high school dahil ayaw na daw sa kanya paalagaan, kaya’t inampon ko ito. Ngunit di nagtagal nagagalit na ang aking nanay at ipamigay ko na daw dahil malas ang pagong. Kaya ayun, pinamigay ko na rin.
Ngunit kung may number 1 at number 2 sa aking mga paboritong hayop, ito ay ang aso at ang isda. Noong high school ako ay talagang gustong gusto ko magka-aquarium kaso di ako makabili dahil sa tinggin ko ay di ko naman kaya bilin. Sa tuwing pupunta kami sa bahay ng kaiskwela ko na may aquarium, talaga namang ako ay sabik na sabik sa aquarium at isda, lalo na pag naka on yung ilaw at nakikita silang naghahabulan. Pero ng malaon ay nawala din ang sidhi ng aking pagkakahilig at nakalimutan na ito at natanggap na darating din ang panahon na magkakaroon ako ng malaking aquarium.
Noong kami naman ng aking maylabs ay ikasal, nagplano kami na bumili ng aso na Labrador retriever, naalala ko kung saan saan din ako nakarating para makita ang aso at maginquire. Ngunit hindi rin ito natuloy sapagkat maliit lamang ang aming inuupahang apartment sa Makati. Tipong pwede kang magluto habang naliligo ka. Ilang hakbang lang ang distansya ng bawat lugar sa bahay. Naiisip namin na kawawa naman yung aso kung sa ganoon lang titira at isa pa langhap na langhap namin ang kanyang wiwi at poopoo kaya’t nag desisyon nalang kami na huwag na muna.
Dito sa KL o maski sa pinas sa bio-research, ugali na naming dumaan sa petshop sa mga mall, pampalipas oras at makita ang mga hayop na gusto naming alagaan. Kanina matapos naming magsimba, dumaan kami sa isang petshop at nag ikot ikot. Maya’t maya pa ay nagtanong ako ng isda at aquarium. At natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa cashier at nagbabayad.
Narito ang larawan ng binili kong 6 gal aquarium. Akala ko nga ay mahirap iuwi sa laki nung aquarium, nagalala ako baka kasi mabasag ang first aquarium ko.
Ang nilalaman ng aquarium, mga 10 basong tubig, isang pekeng puno ng niyog, 5 pirasong bato at ang 2 guppy fish. Di muna kami bumili ng may filter at ng oxygen, saka na. Tamang masabi lang na aquarium. Ang guppy fish daw ay mabubuhay ng 1 year kahit alang filter basta papalitan ang water every two days. Masisigla naman sila so far. Sa susunod na linggo, plano ko sila isama sa swimming at papachekup ko din sila sa vet, para magkaroon sila ng fish book kung saan maitatala ang kanilang kalagayan.
Sa ngayon umiisip pa kami ng pangalan. Pwedeng bobby-angelu o Sergio-marimar. Tobobz, any bright idea?
"Aanhin mo ang malaking aquarium kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang fish bowl na ang nakatira ay guppy"
Cory Aquino was buried yesterday. I would just like to share a video captured by my officemate , the closest she could get to the cortege of our former president. She posted this on facebook and I asked her permission to re-post it here.
Along Osmena Highway going to Buendia. It was raining but still people gathered to pay tribute and say goodbye to our beloved Corazon Aquino. The birds you saw, they were released by those poor people who were patiently waiting for the casket to pass by. They even prepared their own confetti of torn papers that seemed to be yellow pages and newspapers.- exact description from her facebook post
It was holiday yesterday but I have to work. I couldn't help but notice yellow ribbons tied on vehicles, posts, MMDA signs along the way. It was raining yesterday morning on my way to Ortigas and struggled to take a photo of this ribbon, dripping wet.
It was a sad day yesterday, as sad as this picture depicts. Wet, gloomy and blurry.
Maria Corazon Cojuangco Aquino January 25, 1933 - August 1, 2009
Tatlong taon ako noong panahon ng Edsa Revolution habang si tobobz ay grade 2 na noon at nilalakad ang lalim ng tubig baha sa sampaloc. Sa bawat wang wang na naririning naming magkakapatid at magpipinsan sa labas ng bahay ng aming lola, kami ay sisigaw ng “Cory! Cory!” habang ang aming kamay ay nakaporma ng cory sign, may manaka-nakang pagtalon pang kasama. Mas malakas ang sigaw mas panalo ka.
Hindi pa namin nauunawaan ang mga pangyayari noon. Sa paaralan ko na lamang natutunan ang mga naganap at nalaman ang tunay na kwento ng “Cory! Cory!” at ng cory sign.
26 na ako ngayon at masasabi ko na ngayon ko lang lubusang naunawaan ang halaga ng ipinaglaban ni Tita Cory at Ninoy. Sayang nga lang at ang ating Gobyerno ngayon ay punong puno ng kawatan na ang iniisip lang ay ang kanilang sariling kapakanan. Maraming bata na sana ang nag-aaral sa halip na namumundok; marami na ding pamilya ang makakain at hindi magtitiis sa gutom kung walang mga magnanakaw ng pera ng bayan.
Sa katapangang iyong ipinakita. Paninindigang hindi nabuwag kahit ng malalaking tangke. At higit sa lahat sa pagbabalik ng kalayaan at demokrasya ng Bansang Pilipinas. Maraming Salamat po!
Maraming Salamat Tita Cory! May you rest in peace.
What is ONSE-han: rather than the usual "top ten" , I decided to make it eleven or ONSE. Eleven things about a particular topic. For the Release 1:
ONSE-han on my office desk. (Normal hangang medyo sumablay)
ONSE: Calendar
(memory gap kaya madaming post it)
DYES: Empty canister of Halls
(madami nabibiktima yan kala me laman)
NWEVE: Empty clay doh, hair wax
(alam ko mabango yan pero di ko naman sinisinghot, maganda lang un lalagyan)
OCHO-OCHO: Mirror
(minana ko pa yan sa lolo ko, side mirror para kung me dumadating, ALT-TAB agad, cute ng nag kuha ng picture)
SHETE: Spray container + alcohol
(panlaban sa A(H1N1))
SAIS: Paper mouse pad
(-->nog: hindi ito ka-jologsan, ayaw ko lng gumamit ng mouse pad, mas ok sakin 'tong papel, kelangan na palitan may punit na pala)
SINGKO: Quote on post-it
(ang nagbibigay sakin ng lakas ng loob kapag madaming bugs) ("In a day, when you don't across any problem, you can be sure that you are traveling in wrong path")
QUATRO: Vase?
(mukha lang vase pero termost po 'yan. -->nog: hindi yan un vase sa altar nyo, di ko ninakaw yun)
TRES: Tomador...
(ayaw ko kasing uminom)
DOS: Frankenstein?
(straw ng slurpee from 7-11, medyo kahawig ko din kaya memorable)
Ako po si Jekjek, pag itextext niyo po ako Jek2 nalang for short.Ako po ay kasalakuyang nagtatrabaho sa isang prestigious na munisipyo sa bayan ng Pangasinan.Ako po ay masugid na tagasubaybay ng inyong blog. Minsan po kasi ako nag search ng porn sa google at unang una po sa list na lumabas ay ung isang entry ni tobobz, ung ka-tandem niyo po.Mula po noon, di na ako nahilig sa porn, at talagang kina-adikan ko na ang blogs niyo.Ginagawa ko siyang habit sa tuwing umaga para simulan ang aking araw.Talaga naman pong sumasakit ang tiyan ko at nangangawit ang panga ko sa kakatawa.Pakiramdam ko po ay tinatayuan wala akong problema sa buhay.Ang pakay ko po ay upang isangguni ang aking suliranin sa trabaho, madalas po kasi akong dalawin ng antok at di ko talaga mapigilan at kung minsan bigla nalang akong magugulat at magigising sa pagkakatulog. Kahit madaming gawain ay di ko maiwasan ang antukin. Ano po ba ang dapat kong gawin? Aasahan ko po ang inyong payo.
Lubos na umaasa,
Jekjek ng Pangasinan (Jek2 for short)
Dear Jek2,
Ako ay nagpapasalamat sa patuloy mong pagsubaybay sa aming blogs.Sa katunayan nga nang sabihin ko ito kay tobobz, talagang na-touch siya at hanggang sa ngayon ay di pa rin mapigilan ang pagluha. Nag-aalala na din nga kami baka pasukan na ng hangin ang kanyang utak, pero sana naman ay wag muna sa ngayon at kailngan pa natin siya.
Mapunta tayo sa iyong problema, ako mismo ay araw-araw na dinadalaw ng antok sa opisina. Track record ko na yata ang pagiging antukin.Naalala ko pa minsan na nakatulog ako sa midterm ng Linear Algebra nung college, puyat naman kasi ako nung araw bago ng exam, galing ako sa shift ko sa Greenwich.
Kumpleto naman ang tulog ko, pero syempre may mga araw din na kulang.May nabasa ako minsan na di ko na matandaan yung source, na normal lang daw ung 6 to 7 hrs na tulog, sapagkat pag ito ay bumaba sa 6 o lumagpas sa 7, ay mas lalo kang aantukin. So wag kang ganid sa tulog.
Subalit kung minsan papasok ng opisina, pakiramdam ko ba ay talagang kulang ako sa tulog at antok na antok, maaga palang kasi ay gising na ako upang maghanda ng baon namin ng aking asawa at ihatid siya sa bus stop.Sa pilipinas, pag sakay ko ng FX, kanya kanya na.45 minutes din na biyahe yon, 45 minutes na tulog na may manakanakang pag tulo ng laway at pag untog sa salamin ng bintana ng FX, mas malakas mas masakit.Minsan di mo maiiwasan ang mga kasakay na naknakan ng daldal na buong FX eh naririnig ang hagalpakan nila at akala mo ba ay sila lang ang tao sa FX.Dito naman sa Malaysia, 20 minutes lang ay nasa opisina na ako kung walang traffic, sa harap ng condo ay magaabang na ako ng bus, at isa ito sa mga sagradong sandali ng aking buhay, ikakabit ko na ang aking headset, at magnanakaw ng tulog oras na maupo ako sa bus, kulang nalang pati tulog ng katabi ko ay nakawin ko.Minsan gusto ko din na traffic kahit abutin manlang ng 30 minutes ang biyahe para mahabahaba ang aking tulog.
Jek2, baka naman kasi nalulugmok ka sa PMS at Cyber Sex, umamin ka na, kaya siguro madalas kang antok at pagod.Parang say no to drugs lang yan. So hangga’t maaga pa at hindi pa huli ang lahat, lubayan mo na yan. Kaysa naman pag dating ng panahon ang sinasabi mo na ay Aanhin mo pa ang damo kung patay na si Jek2 ang kabayo. Mas ok kung “May Energy mas Happy” diba?
Ugaliin mo din na mag exercise o mahilig sa sports.Gaya ko, ako ay nag jojogging, swimming at badminton.Kung pakiramdam mo ay ayaw ka nila isali, umepal ka nalang, kapalan mo nalang mukha mo at siguradong di ka nila sasawayin. Ipakita mong sporty ka at hindi lampa.Malaking tulong ang exercise sa katawan natin at maiwasan ang pagiging antukin.
Sa opisina, nagpapatugtog din ako ng magagandang sounds o kaya ay nakikinig sa monster radio. Sa ngayon, paulit ulit lang ang kanta ni David Archuleta na Touch my Hand, saka ung Nobody Nobody but You at yung may Romeo and Juliet ni Taylor Swift. Bakit di mo subukang aralin yung Nobody Nobody but you. Magandang paraan din yan upang di ka antukin.O kaya naman ay magkape ka, para magkanerbyos ka naman sa katawan.Siguradong tanggal ang antok mo, na-ngi-ngi-nig-ngi-nig pa.Ako twice a day kung magkape, isa sa umaga at isa sa hapon.Pero para may twist, dala ang aking starbucks mug, ako ay bababa sa lobby upang magkape, isa din ito sa mga sagradong oras ko. So ikaw Jek2, pwede mo din gawin iyan, magtimpla ka ng kape at bumaba ka at pumuwesto ka sa may flag pole ng prestigious na munisipyo na pinagtatrabahuhan mo, tingan ko lang pag di pa natanggal ang antok mo. Makabawi ka manlang at for sure, sa tuwing lunes na flag ceremony niyo eh di ka umaatend.
Ilan lang yan sa mga maari mong gawin pag ikaw ay inaantok. Madami pang paraan na mas creative at mas makakatulong sa iyo gaya ng pag punta sa CR ng napakadalas kahit di ka naiihi, o pagkurot sa iyong braso at kamay hanggang bumaon ang mga kuko mo.
Muli salamat sa liham mo at sana ay nakatulong ako sa suliranin mo, hayaan mong bigyan kita ng isang larawan na pwede mong maging inspirasyon at magbigay lakas sa iyo. Pagdamutan mo na ang Half Boiled Egg at iyang Chicken Nugget.
This blog is between two authors, nog and tobobz. Blog posts would definitely focus on comical events that these authors face on their daily activities. No harm is intended with the creation of this blog, just two friends who share the same passion for funny things. If any post or picture offended you in any way, just post a comment and we’ll gladly delete it for you. Enjoy!