Isa akong pet lover, naranasan ko ng mag-alaga ng kalapati at pakawalan sa medyo malayo sa aming bahay tapos sasabayan niyo ng inyong mga kalaro ng masigabong palakpakan, ewan ko lang kung ano nagagawa ng palakpak, pero sa aking teorya, baka para lumipad o romonda pa sila ng romonda o mas makabihag pa sila ng ibang kalapati na iuuwi nila sa inyong bahay. Pag nga may kasalan, at parte na kailngan ang puting kalapati sa seremonyas, lagi ko hinihiling na sana magawi sa akin yung kalapati at siguradong yari sakin yon.
Nakapagalaga na din ako ng manok na panabong sa bulacan, texas kung tawagin namin ito. May dilaw kaming alaga, pula at yung orange na may puti. Maganda siyang alaga, minsan dadaan ka lang sa harap niya ay bigla ka nalang tutukain at sasabungin at papaluan ng wala kang kalaban-laban. Lahat ng inahin nga namin ay inilalayo namin sa mga tinali sapagkat humihina sila pag madaming mga pakawala este nakawawalang inahing manok.
Nakapagalaga din ako ng mga gagamba, yung mga ikukulong mo sa kaha ng posporo, na ang divider ay tingting o dahon ng niyog. Kung ngayon cellphone ang nasa tabi ng aking unan, noon, sila ang aking katabi. Ang nakakatuwa sa kanila ay kung saang puno o lugar nahuli, iyon ang pangalan niya – gagambang bayabas, gagambang sampaloc, gagambang kuryente pag sa kawad ng kuryente mo nahuli. Minsan ako’y atat na atat sa paguwi galing eskwelahan para makapiling ko na ang aking mga gagamba, ngunit pag dating ko, sila ay nilalanggam na ng walang kalaban laban.
Nag alaga din ako ng pagong, bigay ito ng kaiskwela ko noong high school dahil ayaw na daw sa kanya paalagaan, kaya’t inampon ko ito. Ngunit di nagtagal nagagalit na ang aking nanay at ipamigay ko na daw dahil malas ang pagong. Kaya ayun, pinamigay ko na rin.
Ngunit kung may number 1 at number 2 sa aking mga paboritong hayop, ito ay ang aso at ang isda. Noong high school ako ay talagang gustong gusto ko magka-aquarium kaso di ako makabili dahil sa tinggin ko ay di ko naman kaya bilin. Sa tuwing pupunta kami sa bahay ng kaiskwela ko na may aquarium, talaga namang ako ay sabik na sabik sa aquarium at isda, lalo na pag naka on yung ilaw at nakikita silang naghahabulan. Pero ng malaon ay nawala din ang sidhi ng aking pagkakahilig at nakalimutan na ito at natanggap na darating din ang panahon na magkakaroon ako ng malaking aquarium.
Noong kami naman ng aking maylabs ay ikasal, nagplano kami na bumili ng aso na Labrador retriever, naalala ko kung saan saan din ako nakarating para makita ang aso at maginquire. Ngunit hindi rin ito natuloy sapagkat maliit lamang ang aming inuupahang apartment sa Makati. Tipong pwede kang magluto habang naliligo ka. Ilang hakbang lang ang distansya ng bawat lugar sa bahay. Naiisip namin na kawawa naman yung aso kung sa ganoon lang titira at isa pa langhap na langhap namin ang kanyang wiwi at poopoo kaya’t nag desisyon nalang kami na huwag na muna.
Dito sa KL o maski sa pinas sa bio-research, ugali na naming dumaan sa petshop sa mga mall, pampalipas oras at makita ang mga hayop na gusto naming alagaan. Kanina matapos naming magsimba, dumaan kami sa isang petshop at nag ikot ikot. Maya’t maya pa ay nagtanong ako ng isda at aquarium. At natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa cashier at nagbabayad.
Narito ang larawan ng binili kong 6 gal aquarium. Akala ko nga ay mahirap iuwi sa laki nung aquarium, nagalala ako baka kasi mabasag ang first aquarium ko.

Ang nilalaman ng aquarium, mga 10 basong tubig, isang pekeng puno ng niyog, 5 pirasong bato at ang 2 guppy fish. Di muna kami bumili ng may filter at ng oxygen, saka na. Tamang masabi lang na aquarium. Ang guppy fish daw ay mabubuhay ng 1 year kahit alang filter basta papalitan ang water every two days. Masisigla naman sila so far. Sa susunod na linggo, plano ko sila isama sa swimming at papachekup ko din sila sa vet, para magkaroon sila ng fish book kung saan maitatala ang kanilang kalagayan.
Sa ngayon umiisip pa kami ng pangalan. Pwedeng bobby-angelu o Sergio-marimar. Tobobz, any bright idea?
"Aanhin mo ang malaking aquarium kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang fish bowl na ang nakatira ay guppy"
8 comments:
Cheers to our guppy...
-->nog: why mention "kwago", i think it's inappropriate.
anyhow, i suggest the names of your guppies be cris dalus and celia rodriguez.
amf!
@tobobz para daw kahit sa word na kwago kasali ka pa rin sa entry ni manny ahihi labyu to bobz! :D
cris daluz and celia rodriguez nice hahaha
-->grace anne: very funny! i-clap-clap you.
I vote for manilyn - aljon!
HappyLovelyHeart, Cheers to our guppy, ngunit tayo ay magluksa sa pagkamatay ng babaeng guppy. Yes sumakabilang buhay siya kahapon. ngunit bibili tayo ulit ng bago.
tobobz, its really my intention to include kwago in that famous kasabihan. you know to make you feel uneasy.
grace, i like cris d & celia r. and btw, when you insult tobobz or laugh at him, don't say labyu tobobz, don't feel guilty. He deserves it anyway.
toyomansi, i think you are the winner, i was LOLz when i read ur suggestion. very intellectual.
carry on everyone!
whei ganda gandang fishy.. tsk tsk.. namatay na pala ang partner ni monsieur guppy.. :(
Bili nalng uli ng malaki :D
dex, 1 day lang ang itinagal nung female guppy. bili pa ulit ako isa female. pero pag nadeads ulit, male nalang bibilin ko. masigla pa. hehe
Post a Comment