Sunday, October 25, 2009

samut-saring kuwento

Matagal-tagal din akong nawala at hindi sumulat. Baka alisin na ni tobobz ang aking pangalan sa blogsite na ito. Medyo naging abala din kasi ako ng mga nakaraang araw sa trabaho at sa darating kong exam sa October 31.

Nakakalungkot ang naging epekto ng back to back na bagyo na dumaan sa Pilipinas. Maraming mga kababayan natin ang nawalan ng bahay, marami ang sinirang ari-arian at kinitil na buhay. Sa ating mga tahanan nadarama na tayo ay ligtas at payapa, kung saan ang pamilya ay masayang nagsamasama at kung saan pinagsasaluhan ang biyaya ng Maykapal, kaya't sadyang nakakalungkot ang mawalan ng tahanan o makita mo na sinisira ng tubig ang mga gamit na iyong pinaghirapan. Kami dito sa Malaysia kasama ang aming community sa Couples for Christ ay patuloy na ipinagdarasal ang Pilipinas lalo na ang mga nasalanta ng bagyo (on the side ng aking panalangin ay ang mga lintek na kurakot na mga lider "kuno" ng ating bansa, ke kakapal ng inyong mga mukha).

Para makatulong sa ating kalikasan, sa halip na ilagay sa mga supot si tobobz ang aming mga pinamimili, bumili nalang kami ng "eco-bag". Inaabot din kasi ng napakaraming taon bago tuluyang mabulok ang mga plastik. Sa amin pa lang, 6-10 plastic bags na ang nagagamit sa aming pinamimili linggo-linggo(aksayado din kasi sa plastic ang grocery stores dito).
Ano pa ba ang mga naganap sa mga nakalipas na linggo?

Kami ay abala sa weekly Household Meeting ng Couples for Christ. Masaya ang samahang ito at kahit papaano, nababalanse ang buhay namin at napapaunlad ang aming pananalig at spiritual life.


Ang buwan ng October ay "Breast Cancer Awareness Month" kaya kasama si Michelle at ilang mga kaibigan, kami ay lumakad para sa suso. I mean, nakilahahok kami sa "Walk for World Pink" na ginanap sa paligid ng KL Tower.


Noong October 4, nagkaroon kami ng pagkakataon na mapanood ang ATP Malaysian Open. Naging panatiko din kasi kami ng tennis since last year, kaya't di namin ito pinalagpas kahit wala ang aming peborit na si Roger Federer. Si Davydenko nanalo sa finals against Verdasco.

Naging abala din ako sa pagpindot sa binili kong lomo camera. Ang lomography ay gumagamit ng film at nagbibigay ng vintage effect sa mga larawan nito. Bumili lang ako ng for beginner ung Superheadz Ultra Wide & Slim sa halagang 110RM. Wala itong flash, kaya't unang una, kailngan outdoor ang shots at dapat talagang mataas ang sikat ng araw. Madami pang ibang camera at iba din ang effects sa mga pictures. Pagaaralan ko muna ito, at kung masisiyahan ako, ipagpapatuloy ko ito.



Kanina naman, matapos kami magsimba, dumaan kami sa bilihan ng bonsai. Mahilig din kasi ako maglupa sa mga halaman. Katunayan sa aming apartment sa Makati, may 1 bonsai na akong alaga at ilang mga halaman na iniluwas pa namin mula Laguna.

At ang pinakamasaya sa lahat, kami ay uuwi sa darating na Disyembre! Naka book na ang aming tiket pauwi ng Pilipinas. Kita kita tayo!