ONSE - loveit / lavet
Madalas ko tong marinig sa commercials at sa mga pinoy talkshows. At ang pag-pronounce nito ay as one-word, "lavet".
example: BOY1: pre, ok yun SALT no, ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre, loveit!
DYES- bongga*
Parang eto ata ay no explanation needed. Pero minsan eh 2x pa itong binubulalas, "BONGGANG BONGGA"!
example: BOY1: pre, ok yun SALT no, ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre, BONGGA!
NWEVE - thingie*
may refer to anything. yun lang!
example: BOY1: pre, ok yun SALT no, ang ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre, ay labas yun thingie mo!
OCHO-OCHO - di kaya ng powers ko*
Isa pa ata to, no explanation necessary. Kung dati e si darna at kapitan bawang lang ang may powers, ngayon maski sino e meron na.
example: BOY1: pre, ok yun SALT no, di kinaya ng powers ko ang ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre!
SHETE - fave*
may refer to anything you really like or favorite mo.
example: BOY1: pre, fave ko yun SALT, ang ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre, fave ko yun hair nya!
SAIS - _ness
Ang hulaping -ness. kinakabit ito sa kahit anong salita, mapatagalog man o english. Either you agree or disagree with something e kakabitan mo ng -ness just to make a stress to your point. likeness, cuteness, asar-ness...
example: BOY1: pre, likeness ko yun SALT, ang ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre, cuteness!
SINGKO - palong-palo
Dati kinakatakutan ko ang palo, kasi masakit, nasubukan ko na lahat: sinturon, walis, kawayan at kahoy. aba ngayon e iba na pala ang meaning nito. Kung baga e mabenta o ayos ang isang bagay.
example: BOY1: pre, ok yun SALT no, ang ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre, palong-palo!
KWATRO - pak
halintulad ito sa SINGKO. Kasi nga palong-palo so may tunog, PAK! same meaning pero deserving ito ng isang spot kasi mas malala.
example: BOY1: pre, ok yun SALT no, ang ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre, pak na pak!
TRES - girl
Madalas ko tong marinig, as in madalas. Di ko na lang sabihin kung saan basta andito ako sa lugar na ito 5days a week. Instead of calling someone by his/her name e "girl" ang itatawag mo sa kanya, worst "gurl".
example: BOY1: girl, ok yun SALT no, ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo gurl!
DOS - kalurkey
Sinasambit ito kapag, nakakabaliw ang isang bagay. Katulad din ito ng "kaloka" noong 80's pero nagevelove na sya.
example: BOY1: pre, ok yun SALT no, ang ganda ni Angelina Jolie. BOY2: oo pre, kalurkey!
UNO - teh
ayan na ang malala, bukod sa girl e teh ang ginagamit. Kung noong 80's e kapatid mo lang ang ate mo, ngayon maski sino ay tinatawag ng teh.
example: BOY1: teh, faveness ko na yun SALT, ang bongga ni Angelina Jolie. BOY2: oo girl, pak na pak!